 |
| Isang laro na kung tawagin ay "Patintero" |
Tila
ilang daang taon na ang nakalipas ng huli akong nakapaglaro sa kalye kasama ang
aking mga kaibigan. Ngunit sa katunayan, wala pa sigurong sampung taon ang
nakakalipas. Nais ko laman ipahiwatig na napakabilis ang pagtakbo at pagbabago
ng panahon ngayon. Malamang lamang na karamihan sa mga kabataan ngayon, hindi
alam ang mga laro na nilalaro ko noong ako’y bata tulad ng patintero, tumbang
preso o kaya agawan base. Hindi naman natin pwede sisihin ang mga bata ngayon
sapagkat natural lamang na magkaroon ng generation
gap. Hindi naman na kasi siguro malilibang ang mga kabataan ngayon sa
paglalaro ng mga larong kalyeng ito. Bakit naman nila ito gagawin kung mayroon
naman silang iPad o PS3 kung saan mas marami pa silang magagawa, at hindi pa pagpapawisan
diba? Kung tutuusin, tama nga naman. Kahit ako na lumaki sa paglalaro sa kalye,
mas pipiliin ko ang maglaro na lamang ng Dota o kaya CoD imbis na magpawis pa
sa kalye. Subalit, ano naman kaya ang pumasok sa isip ko nung bata ako at ako’y
nagbibilad sa mainit na araw para maglaro sa kalye?
 |
| Sayang kasi ang sampung pisong pinang-extend niya. |
Maganda
siguro ikumpara kung ano ang tumatakbo sa utak ng mga kabataan ngayon kumpara
sa mga kabatan noon. Para hindi sabihin ng mga tao na ako’y nagmamarunong,
magsisimula ako sa aking sarili. Naaalala ko pa noon na parang ang buong buhay
ko ay umiikot sa paglalaro. Pagkauwi na pagkauwi pa lamang, pupunta na ako sa
mga bahay ng kapitbahay ko at hahanapin ko na sa mga katulong ang mga kalaro
ko. Dati kasi, kinakailangan na dalawa o mas marami pa para makapagsimula ng
laro, magmumukha kang tanga kung naglalaro ka ng ice-ice-water
 |
| "Ice ice water change your foot" |
na mag isa. Kung mas madami, edi mas masaya. Eh
ngayon, makakapaglaro ka naman ng Dragon Age o kaya Skyrim kahit mag isa ka.
Noon, kapag mas marami mas masaya, ngayon, kapag mas marami, mas marami kang
kaagaw sa PS3 mo.
Kung
noon, tuwang tuwa ka na sa paglalaro ng patintero, ngayon siguro ikaw ay
maiinip at makokornihan. Pwede naman natin isipin na ang mga bata ngayon ay mga
tamad at walang taste sa laro pero
tancha ko mas magandang tignan natin kung ano ang naging papel ng teknolohiya dito.
Nagbigay daan ang mabilis na pag usbong ng teknolohiya sa paglabas ng
napakaraming magagandang video games.
Ang tao naman kasi ay natural na laging naghahanap at hindi nakukuntento,
natural din na hindi na tayo malilibang sa mga simpleng larong kalye. Laos na
kasi ang mga larong ito, babagsak lang ang lebel ng iyong swag kapag makita ka ng mga kaklasi mo na naglalaro ng taya-tayaan.
Dito
naman papasok ang papel ng lipunan kung saan dapat laging updated ang isang tao sa mga modernong trends. Gaya nga sa natalakay sa ng isang napaka-galing na guro sa
napaka-sayang klaseng Fil 14, ang panahon ngayon ang napakabilis at laging nag
mamadali. Ang lipunan ngayon ay masyado nang na impluwensyahan ng teknolohiya.
Kung dati ay sikat ka kapag ikaw ang pinaka-malakas o pinaka-mabilis, ngayon,
sikat ka kapag meron ka nang iPhone 6 o kapag sampu ang tiklop ng iyong makulay na JSEC shorts. Bagaman
maraming magandang naidulot sa lipunan ang mabilis na pag usbong ng
teknolohiya, nakakatakot isipin na baka pagkalipas ng ilang taon, ang halaga ng
tao ay hindi na nakabatay sa kaniyang mga nagawa kundi sa kung ano ang meron
niya.
No comments:
Post a Comment